Computer games were, at one time, unified. We didn’t even have the term “casual game” in 1993, let alone the idea that a first-person shooter (then an unnamed genre) could be considered a “hardcore title.” There were people who played computer games, and people who didn’t. People who got way into golf or Harpoon or hearts or text adventures — those were the “hardcore” players, in that they played their chosen field obsessively.
When Myst and the CD-ROM finally broached the mass market, this ecosystem was disrupted. Myst had, Robyn Miller makes clear, been designed to appeal to non-gamers. It sold to them. Enthusiast magazines like Computer Gaming World couldn’t set the taste for the industry anymore: there were millions buying games who didn’t read these magazines. An entirely new breed of player. In this situation, what could be more natural than concocting an us-and-them formula? In a very real way, it was already true.
The great narrative of Myst is that the “hardcore” game press and playerbase lambasted it when it launched. Disowned it. A slideshow, they called it. Abstruse, idiotic puzzles; pretty graphics and not much depth. “Critics and hardcore game players universally panned it as a slide-show that had little actual gameplay interaction”, claimed PC Gamer’s Michael Wolf in 2001.That same year, a columnist for Maximum PC recalled Myst as a “tedious code-breaking and switch-throwing mess”, and saw its then-new remake realMYST as “a pointed reminder of why the press dumped on the original so heavily when it came out.” | Winning entries could not be determined in this language pair.There were 2 entries submitted in this pair during the submission phase. Not enough entries were submitted for this pair to advance to the finals round, and it was therefore not possible to determine a winner.
Competition in this pair is now closed. |
Noong una, nagkakaisa ang mga laro sa kompyuter. Ni wala pang tinatawag na “casual game” o tinuturing na laro lang noong 1993, lalo nang hindi pa naisip na ang isahang taga-baril, na noon ay isang uri ng larong wala pang pangalan, ay maituturing na “hardcore title” o titulong pang-malakasan. May mga taong naglalaro ng mga laro sa kompyuter at mayroon ding hindi. Ang mga taong naglalaro ng golf, Harpoon, baraha, o text adventures ay maituturing na “hardcore” o astig na mga manlalaro dahil sa kanilang obsesibong paglalaro ng kanilang mga napiling larangan. Nagulo ang sistemang ito nang pumasok ang Myst at CD-ROM sa merkado. Nilinaw ni Robyn Miller na ang Myst ay dinisenyo upang maakit ang mga hindi manlalaro ng kompyuter. Ang mga magasin ng mga mahilig sa kompyuter tulad ng Computer Gaming World ay hindi na kinaya pang magtakda ng uso para sa industriya dahil ilang milyon ang bumili na ng mga laro nang hindi nagbabasa ng mga magasing ito. Talagang mga bagong uri ng mga manlalaro ang sumibol. Sa ganitong kalagayan, mayroon bang mas lilikas pa sa paglikha ng pormulang tayo-at-sila? Sa totoo lang, ito na ang nangyari. Ang malawakang naranasan ng Myst ay ang lubhang pambabatikos dito ng mga “hardcore” o astig na mga mamamahayag ng mga laro at ng mga manlalaro. Itinakwil ito. Tinawag nila itong isang palabas. Mahirap unawain, mga kalokohang palaisipan; magagandang grafiks at walang masyadong lalim. “Malawakan itong lubhang binatikos ng mga kritiko at astig na mga manlalaro bilang isa lamang palabas na mayroong kaunting aktwal na interaksyong laro,” pahayag ni Michael Wolf ng PC Gamer noong 2001. Noon ding taong iyon, isang kolumnista para sa Maximum PC ang inalala ang Myst bilang isang “gulo ng nakapapagod na pagbasag ng kodigo at pagpihit ng mga swits” at nakita ang noo’y bagong likhang realMYST bilang “isang malinaw na paalala kung bakit talagang binalewala ng mga mamamahayag ang orihinal noong lumabas ito.” | Entry #32542 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
|
Dati, ang mga laro sa computer ay nakaliga. Kahit ang taguring “kaswal na laro” ay hindi pa kilala noong 1993. Maging ang hindi pa napapangalanang genre o istilo ng laro noon na “first-person shooter” (kung saan ang nakikita lang ay ang baril o sandata), ay maituturing na brutal. May mga taong naglaro ng computer games, mayroon din na hindi. Iyong mga natutok sa golf o Harpoon o hearts o mga laro ng pakikipagsapalaran – sila iyong mga panatiko o “hardcore” na manlalaro. Nagambala ang kontekstong ito nang napasok ng CD-ROM at ng Myst ang merkado, Sa paglilinaw ni Robyn Miller, ang Myst ay idinisenyo na maakit ang mga hindi pa manlalaro. Nabenta ito sa kanila. Hindi na maitakda ng mga babasahing tulad ng Computer Gaming World ang pagkikilingan para sa industriya: milyon na ang bumibili ng mga laro na hindi naman mambabasa ng mga magasing ito. Isang baguhan. Sa ganitong sitwasyon, wala nang mas natural pang gawin kung hindi tahakin ang diskarteng, “sila o tayo”, na noo'y nangyayari na. Ang matinding kuwento ng Myst ay na kinutya ito ng mga hardcore na manlalaro at manunulat nang ilunsad ito. Itinatwa nila ito. Itinuring nila itong pang-display lang. Mahirap intindihin, pang-uto lang; magara lang tingnan (ang graphics) pero mababaw. “Nagsanib puwersa ang mga manunuri at mga panatikong manlalaro sa pagkutya dito bilang pasikat lang: halos walang tunay na interaksyon na laro,” pagbatikos ni Michael Wolf ng PC Gamers noong 2001. Sa kaparehang taon, isang mamahayag nang Maximum PC ang tumuya sa Myst na isang “nakakapagod intindihin at magulo ang pagmanipula,” at itinuring ang noon ay binagong realMYST na “isang tahasang paalala kung bakit matinding ibinasura ng mamamahayag ang orihinal nito ng inilabas.” | Entry #32594 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
|